P4.4 million halaga ng shabu nasamsam ng PDEA-9

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 ang P4.4 million na halaga ng shabu sa tatlong dealers na na-entrap sa Ipil, Zamboanga Sibugay nitong gabi ng Miyerkules, September 11, 2024.

Sa ulat ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspects, sina Arman Aljas Estrada, Ronnel Evedientes Jamin at Jomari Gonzales Sanson.

Unang nanlaban at binaril pa ng mga suspects ang mga PDEA-9 agents at mga pulis na nagtangkang arestuhin sila matapos nilang bentahan ng P4.4 million na halaga ng shabu sa isang lugar sa Ipil, kabisera ng Zamboanga Sibugay.

Hinabol, nasukol at na-aresto din matapos ang maikling shootout sina Estrada, Jamin at Santos, ng mga anti-narcotics agents na kanilang ka-transakyon.

Maliban sa shabu, nakumpiskahan din ang tatlo ng isang 9 millimeter pistol at isang lumang .30 caliber Carbine rifle na gagamitin ng PDEA at ng Police Regional Office-9 na ebidensya sa pagsampa sa kanila ng hiwalay na kasong illegal possession of firearms. (Sept. 13, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *