P10.6 million na halaga ng imported na sigarilyo nasamsam sa Maguindanao del Norte

Maagap na napigil ng mga pulis nitong umaga ng Linggo, June 30, 2024, ang tangkang paghatid sana ng mga smugglers sa ibat-ibang lugar sa Maguindanao del Norte ng P10.6 million na halaga ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia na lulan ng van-type truck at tinakpan ng ibang kargamento upang hindi mahalata kung titingnan sa malayo.

Napigil ng mga kasapi ng Parang Municipal Police Station, sa pamumuno ni Lt. Col. Erwin Tabora, ang naturang kontrabando sa Barangay Sarmiento sa Parang, Maguindanao del Norte matapos makatanggap ng ulat sa mga impormante hinggil sa nakatakdang pagdaan ng naturang truck sa highway sa naturang lugar, patungo sana sa ibat-ibang mga contacts sa probinsya.

Sa pahayag nitong tanghali ng Linggo, kinumpirma ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang pagkakasamsam ng naturang mga imported na sigarilyo na nakatakda ng ipa-kustodiya ng Parang MPS sa Bureau of Customs. (JUNE 30, 2024, JOHN UNSON)

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *