Onse ng mga barangays sa Kabacan, Cotabato binaha

Lubog sa baha ang 11 na mga barangays – ang Aringay, Cuyapon, Katidtuan, Kayaga, Lower Paatan, Upper Paatan, Magatos, Salapungan, Banawag, Malanduage at Malamote — sa bayan ng Kabacan sa probinsya ng Cotabato sa Region 12 simula nitong hapon ng Sabado, July 13, 2024, kasunod ng malakas na ulan sa kapaligiran.

Umapaw din ang mga ilog sa Kabacan sanhi ng ulan.

Ang Kabacan ay hindi gaanong malayo sa mga ilog at mga lawa na konektado sa 220,000 ektaryang Liguasan Delta na mabilis umapaw kung tag-ulan.

Agad na nagpakalat ng emergency responders ang mayor’s office ng Kabacan upang tumugon sa kalamidad at alalayan ang mga residenteng dapat na ilikas sa mga matataas na mga lugar. (July 13, 2024, handout photo) JFU

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *