
Ang naaresto sa Cotabato City na tatlong wanted sa mga kasong paglabag sa anti-terror law at pagpatay ng marami, konektado sa mga lokal na teroristang grupo sa Central Mindanao, ay mga opisyal ng New People’s Army sa Region 11.
Ito ay kinumpirma nitong Linggo ng gabi ng commander ng 10th Infantry Division, si Gen. Allan Hambala, at ng mga opisyal ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
Ang suspect na si Roel Villanueva Cabales, secretary-general ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA, ay nasukol ng mga operatiba ng Cotabato City Police Office, ng PRO-BAR at ng mga intelligence agents ng 6th Infantry Division sa kanilang tinitirhan sa Mabini Street sa Barangay Bagua 3, Cotabato City nitong gabi ng Sabado, November 16.
Maliban kay Cabales, naaresto din ang dalawang niyang mga kasama na sina Catherine Aparis Ginoo at Alma Mae Dulay Masalon, wanted din sa ibat-ibang mga kaso, parehong mga opisyal din ng NPA. (November 18, 2024)