Negosyante sa Maguindanao del Norte, patay sa ambush

Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang negosyante na na-ambush nitong hapon ng Lunes, January 6, 2025, sa Barangay Kibleg sa Upi, Maguindanao del Norte.

Sa inisyal na pahayag nitong Martes ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na namatay sa mga tama ng bala ang 31-anyos na ambush victim na si Edwin Liha Valdez, residente ng Barangay Nuro sa Upi at may isang grocery store doon.

Sakay si Valdez ng kanyang motorsiklong Honda CRF 150 ng tambangan ng mga armadong kalalakihan sa isang liblib na bahagi ng Cotabato-Upi Highway sa Barangay Kibleb sa naturang bayan na na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Si Valdez, negosyante na mula sa isa sa mga pioneer clans sa Upi, ay kilala sa pagiging mapagkawanggawa at matulungin sa mga kailangang maihatid sa mga hospital, o may kailangang serbisyo mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Macapaz, nagtutulungan ang mga imbestigador ng Upi Municipal Police Station at ang mga barangay officials sa naturang bayan sa pagkilala sa mga nag-ambush kay Valdez upang masampahan ng mga kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *