Sa kanilang pagkasawi, sino ang mali?

Ang dalawang magkapatid na mga paslit, sina John Kyle Nillad Barindad, isang-taong-gulang, at si John Mike Nillad Barindad, ay nasunog ng buhay, natupok sa apoy, ng masunog ang kanilang barong-barong sa Purok 7 sa Barangay Magbok sa Tulunan sa probinsya ng Cotabato nitong umaga ng Miyerkules, July 31, 2024.

Iniwan sila diumano ng kanilang ina na may pinuntahan sa isang lugar sa kalapit na barangay at, sa kanyang pag-uwi, tupok-na-tupok na ang kanilang munting tahanan.

Wala pang malinaw na theorya ang mga lokal na kinauukulan kung paano nasunog ang barong-barong ng pamilya Barindad na nagresulta sa naturang insidente ng ikinagulat, ikinalungkot ng marami.

Nagpaabot na ng inisyal na ayuda ang Tulunan local government unit sa mga magulang ng mga batang namatay sa insidente. (August 1, 2024, Handout Photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *