Nagwawalang may itak sa Isabela City, Basilan nabaril ng pulis

Nabaril sa leeg ng isang pulis ang lalaking may bitbit na itak at ayaw magpaawat sa pagwawala at pananakot ng mga residente ng Doña Ramona, isang lugar sa Isabela City, Basilan nitong Huwebes, August 15, 2024.

Ayon kay Captain Hatta Abdullah ng Isabela Police Station, unang pinakiusapan ng mga kapitbahay at barangay officials na nag-responde sa insidente ang 35-anyos na si Pansulani Salma na sumuko ng maayos ngunit hindi nakisama at tinaga pa ang isang pulis na kabilang sa mga nakiusap sa kanya kaya siya nabaril nito sa leeg.

Hindi naman maselan ang sugat ng pulis na nataga ni Salma sa tagiliran na agad namang naipagamot sa isang hospital.

Nasa isang pagamutan na rin si Salma na nagtamo ng tama ng bala sa leeg, guwardiyado ng mga kasapi ng Isabela City police force. (August 16, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *