Multi-sector tree planting sa B’laan areas palalawagin

Palalawigin ng mga Blaan, mga local officials at ng isang pribadong kumpanya ang kanilang pagtutulungan sa pagtatanim ng mga punongkahoy sa South Cotabato at tatlo pang probinsya bilang suporta sa Enhanced National Greening Program ng pamahaalan.

Ito ay ayon sa mga ulat ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong nakalipas lang na Sabado at Linggo, kung saan ilang mga leaders ng mga etnikong grupong Blaan at T’boli ang nagpahayag na mas palalakasin pa ang kooperasyon ng kanilang mga tribo, ng Department of Environment and Natural Resources-12 at ng Sagittarius Mines Incorporated ang kanilang reforestation projects sa Tampakan sa South Cotabato at ilan pang mga bayan sa probinsya at sa Malungon sa Sarangani, sa Columbio sa Sultan Kudarat at sa Kiblawan sa Davao del Sur.

Kontratado ng national government ang Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI, para mamahala ng Tampakan Copper Gold Project sa bayan ng Tampakan na nakatakda ng magsimula sa 2025.

Ayon kay Blaan chieftain Domingo Collado, indigenous people’s mandatory representative sa Tampakan municipal council, at ilang mga barangay officials ng naturang bayan, hindi pa man nakapagsimula ng mining operations ang SMI, ang mga kawani nito at mga Blaan sa Tampakan at sa tatlo pang mga bayan na sakop ng napipintong copper and gold mining operations nito ay nakapagtanim na ng 1.3 million na mga forest tree seedlings nitong nakalipas na anim na taon.

Nagpahayag din ng kanilang mga suporta sa mga reforestation projects ng mga lokal na komunidad at ng SMI sina Malungon Mayor Ma. Theresa Constantino, Columbio Vice Mayor Naila Mamalinta at Kiblawan Mayor Joel Calma.

Ayon sa naturang local executives, kaakibat sila ng mga etnikong Blaan at mga settler communities at ng SMI sa mga proyektong may kaugnayan sa Enhanced National Greening Program ng Department of Environment and Natural resources na naglalayong makapagtanim ng forest trees sa 1.5 million ektaryang lupa sa bansa. (NOV.18, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *