Motorsiklo, van nagsalpukan sa Koronadal City

Dalawang sakay ng isang motorsiklo ang nagtamo ng mga pasa at sugat sa katawan ng kanilang mabangga ang kanang gilid ng isang van sa isang highway intersection sa Koronadal City nitong umaga ng Lunes, June 24, 2024.

Batay sa mga inisyal na ulat ng Koronadal City Police Office, ang motorsiklong kulay blue na Suzuki Raider ang siyang bumangga sa gilid ng van habang paliko ito, pa-kanan, sa isang kanto sa tabi ng GenSan Drive, ang highway na nag-uugnay sa Koronadal City at sa General Santos City.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga nasaktang motorista ng mga emergency responders ng Koronadal City local government unit at ng mga pulis na nag-responde sa insidente. (JUNE 24, 2024, HANDOUT PHOTOS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *