Motorista patay sa ambush sa Lamitan City, Basilan

Isang motoristang etnikong Yakan, si Pidey Hajalun Nasir, 38-anyos, ang agad na namatay sa mga tama ng bala ng tambangan ng mga armado sa isang bahagi ng highway sa Kahibaan sa Barangay Santa Clara sa Lamitan City bandang takipsilim nitong Biyernes.

Sa mga hiwalay na pahayag ng Lamitan City Police Station at ng Basilan Provincial Police Office, magkaangkas sa motorsiklo si Nasir at ang kanyang misis sila ay na-ambush ng mga armadong nakaabang sa gilid ng highway.

Mabilis na nakakatakas ang mga responsable sa krimen na nagsanhi ng agarang pagkamatay ni Nasir, residente ng Akbar municipality sa Basilan, hindi kalayuan sa Lamitan City (December 15, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *