Modernong leprosy facility sa BARMM bukas na

Magkatuwang na pinasinayaan ng mga doctor at mga kawani ng Cotabato Sanitarium and General Hospital sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ang kanilang bagong P3.4 million 10-room leprosy custodial facility nitong Lunes, April 6.

Mismong si physician Ibrahim Pangato, Jr., medical center chief ng Cotabato Sanitarium General Hospital, o CotSanGen Hospital, ang nanguna sa inagurasyon ng naturang leprosy custodial facility sa likurang bahagi ng kanilang hospital compound sa Pinaring sa Sultan Kudarat.

Ang Sultan Kudarat ay isa sa limang probinsya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Dumalo sa naturang okasyon ang municipal administrator ng Sultan Kudarat na si Banjo Mampon at ang staff ni Congresswoman Dimple Mastura na si Joesan Pacaldo.

Ayon kay Pangato, naitatag ang 10-room leprosy custodial facility sa pagtutulungan ng lahat ng mga doctor, mga medical support at administrative personnel ng CotSanGen Hospital.

Mula sa pondo ng CotSanGen Hospital ang ginamit na P3.4 million na pangtustos sa naturang proyekto, ayon kay pangato.

Orihinal na isang leprosy treatment facility ang pinagmulan ng CotSanGen Hospital sa Barangay Pinaring. Ang naturang confinement area ng mga pasyenteng may leprosy, o ketong, ay unang itinatag matapos ang World War 2 noong 1940s.

Mula sa naturang makalumang leprosarium ay umusbong ang ngayong at moderno ng CotSanGen Hospital na isang general service medical facility na, nagsasagawa ng mga medical services katulad ng kung anong meron sa mga regular hospitals sa hindi kalayuang lungsod ng Cotabato, ang kabisera ng Bangsamoro region.

Ang CotSanGen Hospital ay may mga malalaki, modernong gusali na sa loob ng compound nito. Si Pangato ang nagsisilbing center chief nito mula pa noong 2011. (April 7, 2026)