
Sa kulungan ang bagsak ng isang mister, si Arjames Cerna Loyola, dahil sa kanyang pagkakapatay sa kanyang misis gamit ang kitchen knife sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo nitong Martes.
Naganap ang insidente sa loob mismo ng tahanan nila Loyola at ang kanyang napatay na misis, si Sweetie Villamor Morgadez sa Barangay Buena Gracias sa Talacogon sa Agusan del Sur.
Sa pahayag ng Talacogon Municipal Police Station, unang narinig ng mga kapitbahay ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa bago naganap ang madugong insidente.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspect na si Loyola, na umamin din agad sa kanyang pagkakapatay sa kanyang misis gamit ang isang kutsilyo. (Nov. 28, 2024)