MILF commander, kasama sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur

Dalawa ang sugatan, isa sa kanila commander ng Moro Islamic Liberation Front, sa isang ambush sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong umaga ng Lunes, August 12, 2024

Sa mga hiwalay na ulat nitong nitong Martes ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagtamo ng mga tama ng bala si Garante Tumanggong Kawilan at kasamang si Guimaludin ng pagbabarilin ng mga armado habang sakay ng isang puti na minivan, sa Barangay Poblacion sa Datu Odin Sinsuat.

Napag-alaman, mula sa kanyang mga kamag-anak at mga miyembro ng MILF, na si Kawilan ay isa sa mga commander ng 104th Base Command ng naturang grupo na may peace agreement sa pamahalaan.

Ayon sa mga saksi, gumanti ng putok sina Kawilan kaya nag-crash ang motorsiklo ng patakas na sanang mga nag-ambush sa kanila.

Isinalaysay din ng mga saksi na kanilang ikinagulat ang pag-rescue sa mga armadong nag-crash ang motorsiklo ng mga sakay ng isang itim na pick-up truck mula sa hindi kalayuan na agad na humarurot patungo sa direksyon ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur. (August 13, 2024)

Tondo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *