Mga bahay nasira, mga punongkahoy nabuwal ng hangin

Mahigit 10 na mga bahay na yari lang sa semi-permanent materials ang nasira at ilang mga punongkahoy ang nabuwal ng malakas na hangin na humagupit sa ilang mga lugar sa bayan ng President Quirino sa probinsya ng Sultan Kudarat nitong gabi ng Sabado, August 17, 2024.

Agad namang pinaresponde sa insidente ni Mayor Katrina Florida Sandigan ang mga kawani ng kanilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office upang maka-alalay sa mga residenteng apektado ng naturang kalamidad.

Ayon sa mga residente ng President Quirino, umuulan ng biglang binayo ng malakas na hangin ang kanilang mga barangay na nagsanhi ng pagkasira ng maraming mga semi-permanent na istruktura at pagka-buwal ng mga punongkahoy, ilan dito tumama sa mga bahay at mga sasakyang nakaparada sa kapaligiran. (August 18, 2024, handout photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *