![](https://nsjnews.com/wp-content/uploads/2025/01/image-103.png)
Naghain na si Mayor Marshall Sinsuat ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte ng kanyang kandidatura pagka-vice governor ng Maguindanao del Norte.
Ang bayan ng Datu Blah Sinsuat sa western area ng Maguindanao del Norte ay kilala sa pagiging mapayapa at maunlad na, natuturingan na “new investment hub,” o potensyal na destinasyon ng mga kapitalistang maaring maglagak ng pondo para sa ibat-ibang fishery at agricultural projects na makakapagbigay ng mga trabaho para sa mga residente ng naturang bayan.
Si Sinsuat, mula sa isang Maguindanaon noble clan, ay siyang kandidato ng United Bangsamoro Justice Party ng Moro Islamic Liberation Front. Kanyang running mate ang kakandidatong governor na si Sultan Kudarat Mayor Tucao Mastura ng Maguindanao del Norte. Silang dalawa ng official candidates ng UBJP sa naturang mga elective positions, suportado mismo ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na siyang presidente ng naturang partido.
Nito lang Lunes, October 7, 2024, naghain ng kanyang COC si Sinsuat sa tanggapan ng Commission on Elections sa loob ng Bangsamoro regional capitol sa Cotabato City, kasama ang kanyang buong pamilya at maraming mga supporters na nangako na ikakampanya siya sa kani-kanilang mga bayan sa darating na 2025 elections. (October 8, 2024)