Malaking grassfire malapit sa Cotabato airport

Pinagtulungang maapula ng mga kawani ng Civil Aviation Authority, ng Bureau of Fire Protection at ng mga barangay officials at mga tropa ng 6th Infantry Division ang malaking grassfire sa dulo ng runway ng Cotabato City Airport sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Biyernes, July 26, 2024.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasunog na infrastructure sa naturang insidente na labis na ikinagulat ng mga residenteng nakatira sa kapaligiran at sa airport na hindi kalayuan sa Camp Siongco na kinaroroonan ng headquarters ng 6th Infantry Division.

Halos dalawang oras na nagsikap maapula ang mga nag-responde sa naturang insidente, ayon sa mga lokal na kinauukulan. (July 27, 2024

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *