Madugong rido sa Lanao del Sur, na-areglo ng provincial officials

Pormal ng tinuldukan nitong Lunes, September 2, 2024, ng dalawang malalaking angkan ng mga Maranao sa Lanao del Sur ang kanilang madugong “rido” kung saan marami ang nasawi sa mga serye ng kanilang labanan nitong nakalipas na ilang taon.

Sa ulat nitong Martes ni Col. Robert Daculan, Lanao del Sur provincial police director, pumayag ang mga angkan ng Asum at Alim na lumagda sa isang kasunduang tapusin na ang kanilang rido, o away ng mga angkan, sa pakiusap ni Gov. Mamintal Adiong, Jr., na siyang chairperson ng Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council.

Ang mga Asum ay mga taga Lumbayanague, isa sa 39 na mga bayan sa Lanao del Sur, habang ang balwarte naman ng mga Asim ang Sultan Dumalondong sa naturan din probinsya.

Agawan ng teritoryo at pulitika ang pinag-ugatan ng clan war ng mga Asum at Alim sa kani-kanilang mga bayan sa Lanao del Sur na ang mga local executives ay kilalang mga supporters ng peace and reconciliation programs ng tanggapan ni Adiong.

Magkatuwang na pinangunahan nila Adiong, ng mga opisyal ng Lanao del Sur Provincial Police Office, ni Vice Gov. Mohammad Khalid Rakiin Adiong at ng mga miyembro ng Lanao del Sur Sangguniang Panlalawigan ang pagsagawa ng rido settlement nitong Lunes sa isang gymnasium sa provincial capitol sa Marawi City, kabisera ng naturang probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *