Lasing na driver, nakabangga ng center island, wasak

Isang driver, nakumpirma ng mga pulis na nagmamaneho ng isang sports utility vehicle habang lango sa alak, ang nakabangga ng center island, o lane barrier, sa N. Bacalso Avenue sa Barangay Tabunok sa Talisay City sa Cebu nitong madaling araw ng Sabado, December 21, 2024.

Hindi naman nasaktan ang lasing na driver sa aksidente at maagap siyang nai-kustodiya ng mga pulis na mabilis na naka-responde sa kaganapan. (December 22, 2024, handout police photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *