
Ikinagalak ng marami sa Lanao del Sut at sa iba pang probinsya ng Bangsamoro region ang pagbigay ng bendisyon nito lang nakalipas na linggo ni President Ferdinand Marcos, Jr. kay reelectionist Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., bilang kandidato ng Malacañang para sa naturang puwesto.
Tanging si Gov. Adiong lang ang dineklarang kandidato ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagka-governor ng Lanao del Sur ang mula sa Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo (SIAP) regional party, kasabay ng apat na iba pa na mula naman sa United Bangsamoro Justice Party ng Moro Islamic Liberation Front.
Si Adiong ay isa rin sa mga founders Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Grand Coalition, mas kilala bilang BGC. Ang kanyang partido, ang SIAP, ang pinaka-unang regional political party sa BARMM na ilang beses ng naiulat ng regional at national media na may mahigit ng 600,000 na mga dokumentadong supporters at mga miyembro sa limang probinsya at tatlong lungsod ng rehiyon.
Kasabay ni Gov. Adiong na na-proklamang mga pinapaborang kandidato ni Pangulong Marcos nitong nakalipas na linggo lang sina Tucao Mastura sa pagka-governor ng Maguindanao del Norte; Ali Midtimbang sa pagka-governor ng Maguindanao del Sur, Esmael Sali sa pagka-governor ng Tawi-Tawi, at Hajiman Salliman sa pagka-vice governor ng Basilan.
Sina Mastura, Midtimbang, Sali at Salliman ay mula naman sa United Bangsamoro Justice Party na pinamumunuan ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.
Bagama’t hindi miyembro ng UBJP, si reelectionist Gov. Adiong ay kilalang masigasig na supporter ng peace process ng Malacañang at ng MILF na ang pinuno ay si BARMM Chief Minister Ebrahim din. (Nov. 2, 2024)