Lalaki patay sa ambush, bumangga pa ang kotseng minamaneho

Patay sa ambush ang isang nagmamaneho ng isang kotseng bumangga pa sa kasalubong na dump truck ng nawalan na ito ng control sanhi mga tama ng bala sa kanyang ulo.

Naganap ang pag-ambush kay Narris Maon, dating empleyado ng isang ahensiya ng nabuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, sa isang bahagi ng highway sa Barangay Balindog sa Kidapawan City, kabisera ng probinsya ng Cotabato sa Region 12.

Mabilis na nakatakas ang mga tumambang kay Maon sakay ng motorsiklo.

Inaantabayan pa ang pahayag ng Kidapawan City police hinggil sa insidente. (July 1, 2024, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *