Lalaki binaril ng kaibigan dahil police informer diumano

Nagtamo ng mga tama ng bala sa kamay ang isang residente ng Talisayan, Zamboanga City, si Eric Asentista Agustin, sanhi ng pamamaril ng kanya mismong kaibigan na si Rodlie Villar Gadian dahil duda siyang police informer ito at hadlang sa kanyang mga gawaing illegal.

Naganap ang insidente sa gilid ng isang bahagi ng Maria Clara Lobregat Highway sa Zone 3, Barangay Culianan, Zamboanga City, nitong pasado 7:00 PM ng Linggo, September 15, 2024.

Nagpapahinga sa loob ng kanyang minamehong truck ang driver na si Agustin ng lapitan ni Gadian at binaril ng malapitan na nagsanhi ng pagkakasugat nito sa kanyang kanang kamay.

Sa ulat ng Zamboanga City Police Station 4 na sakop ng Zamboanga City Police Office, mismong ang sugatan na si Agustin ang nagtungo sa naturang police station upang humingi ng saklolo at upang isuplong ang nagawang pamamaril sa kanya ni Gadian, na mabilis na nakatakas gamit ang motorsiklo matapos siyang barilin nito na nagsanhi ng pagkasugat ng kanyang kanang kamay.

Kinumpirma ng mga barangay officials ng Culianan at ng Taliyasan sa Zamboanga City, kung saan nakatira si Gadian, na matagal na siyang sangkot sa mga illegal na gawain, kabilang dito ang pagbebenta ng shabu at mga nakaw na mga gamit.

Duda diumano si Gadian na isang “police asset,” o informer si Agustin, ayon mismo sa kanyang mga kamag-anak na tumutulong na sa pulisya na matunton siya upang maaresto at mapanagot sa kanyang pamamaril sa biktima. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *