
Dalawang delivery trucks, ang isa pag-aari ng J&T Express at ang isa naman ay sa Flash Express, mga magka-kumpitensyang cargo forwarding companies, ang nagbanggaan sa isang bahagi ng highway sa Sitio Pilutan sa Barangay Tinitian sa Roxas, Palawan habang umuulan ng malakas sa kapaligiran nitong gabi ng Sabado, December 21, 2024.
Ang pulang Hino truck ng J&T Express ay minamaneho ni Gerson Diacin Herrera, 36-anyos, habang ang driver naman ng dilaw na Foton Tornado truck ng Flash Express ay ang 42-anyos na si Jonepher Balba Paala.
Sa inisyal na ulat nitong Linggo ng Roxas Municipal Police Station, may iniwasang nabuwal na punongkahoy si Paala ngunit nawalan siya ng control ng kanyang minamanehong delivery truck dahil madulas ang sementong highway kaya naganap ang aksidente.
Wala namang naiulat na nasaktan ng malubha, o nasawi sa insidente. (December 22, 2024, handout Facebook photo)