
Agad na namatay ang isang Islamic missionary ng tamaan ng nabuwal na malaking puno ang kanyang maliit na bahay sa Barangay Buayan sa Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Martes, January 14, 2025.
Matagal bago naputol-putol, gamit ang isang chainsaw, ng mga emergency responders ang malaking puno na tumama sa bahay ng biktima, si Ustadz Abdulbayan Banto, na patay ng mahugot mula sa mga parte ng kanyang bahay at mga malalaking sanga ng punongkahoy na dumagan sa kanya.
Nabuwal ang naturang puno ng malakas na hangin na paulit-ulit na hinagupit nitong Martes ng hapon ang maraming mga lugar sa Datu Piang at mga karatig na bayan sa Maguindanao del Sur kasabay ng malakas na ulan sa kapaligiran. (Jan. 16, 2025)