Ibang bangkay nailibing ng mga kaanak na akala ay ang kapamilyang dinukot, pinatay

Ibang babae ang natagpuang patay at lumulutang sa dagat sa Parang, Maguindanao del Norte nitong Sabado, July 6, 2024, hindi ang unang naiulat na si Bainary Embel Mohammad Dadpil, ang criminology student na naibalitang nawawala mula pa noong July 3, 2024.

Nailibing pa ng mga kamag-anak ni Dabpil ang naturang bangkay sa Barangay Nalkan sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte sa pag-aakalang siya ito, natagpuan ng isang mangingisda sa karagatang hindi kalayuan sa Bongo Island sa Parang, isang coastal town sa Maguindanao del Norte.

Isa sa nagkumpirmang hindi pala si Dadpil ang nailibing ng kanyang pamilya ay ang isa nitong kamag-anak na si Nel Guiambangan at mga barangay officials sa Datu Blah Sinsuat, ang hometown ng mga Dabpil. Napag-alaman din na si Dabpil ay lumisan pala patungong Manila upang magtrabaho doon, ayon sa ilang mga kamag-anak nito sa Datu Blah Sinsuat.

Magkatuwang na inaalam na ng imbestigador ng Parang Municipal Police Station at Mga intelligence agents ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office kung sino ang bangkay na nailibing ng maayos ng pamilya Dabpil sa pag-aakalang siya ang nawawala nilang kapamilya na kalaunan ay nalaman nilang lumisan pala patungo mg Manila ng walang pasabi. (July 8, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *