Highway sa Bagumbayan, Sultan Kudarat, apektado ng landslide

Pansamantalang natigil ang daloy ng trapiko sa isang bahagi ng highway na nag-uugnay sa dalawang lugar, ang Chua at Masiag sa Bagumbayan sa Sultan Kudarat, Region 12 sanhi ng pagkakatambak sa highway mismo ng putik at mga bato na gumuho mula sa mga gilid ng bundok nitong Biyernes, July 5, 2024, kasunod ng malakas, paulit-ulit na ulan sa kapaligiran.

Pinagtututulungan na ng local government unit, ng Provincial Engineer’s Office at ng mga apektadong residente ang pagtanggal ng bara sa highway. (July 6, 2024, Facebook image, Jonathan Patanao)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *