
Muling bumalik ang daloy ng trapiko sa isang bahagi ng highway sa Sitio Binaton sa Romongaob sa South Upi, Maguindanao del Sur, nasara ng ilang oras sanhi ng pagkabara nito ng lupa at mga batong dumausdos mula sa gilid ng bundok kasunod ng malakas na ulan sa kapaligiran nitong Biyernes, September 13, 2024.
Muling nabuksan ang nasarang highway ng mga tauhan ni South Upi Mayor Reynalbert Insular gamit ang kanilang heavy equipment ngayong umaga ng Sabado, September 14, 2024. (Sept. 14, 2024, larawang mula sa South Upi Mayor’s Office)