Ex-Congresswoman Sema na tumulong itatag BARMM, kaninditang muli

Isa sa mga nagsulong ng charter ng BARMM, balak bumalik sa kongreso

Naghain na ng kanyang kandidatura nitong Lunes, October 7, 2024, bilang congressional representative ng Maguindanao del Norte si Bai Sandra Sema, dating congressional representative ng first district ng noon ay old Maguindanao province, nahati na sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur noong 2022.

Si Mrs. Sema ay anointed candidate, o official na kandidato para sa naturang puwesto ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng Moro Islamic Liberation Front at ng Partido Federal ng Pilipinas. May Basbas ng Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim, presidente ng UBJP, ang kanyang kandidatura.

Sinamahan si Mrs. Sema ng kanyang kabiyak na si Bangsamoro Labor Minister Muslimin Sema, na chairman ng Moro National Liberation Front, ng kanyang tiyuhin na beterano na sa politika na si Datu Bimbo Sinsuat mula sa Sinsuat clan ng Maguindanao del Norte, mga kamag-anak at mga supporters sa kanyang paghain ng certificate of candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections sa loob ng Bangsamoro regional capitol sa Cotabato City.

Si Mrs. Sema, ngayon kandidata na para sa congressional seat ng Maguindanao del Norte, ay maraming naging proyekto noong kanyang termino sa kongreso, isa na dito ang diversion road, o konkretong highway nag nag-uugnay sa mga bayan ng Sultan Kudarat at Datu Odin Sinssuat at ang eastern side ng Cotabato City, mas maiksing ruta na nag-uugnay sa naturang dalawang bayan.

Kilala din si Mrs. Sema sa kanyang naging masigasig na pagsulong ng noon ay proposed measure pa lang sa pagtatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang Republic Act 11054, o Bangsamoro Organic Law, na naging ganap na batas na nagresulta sa pagkakatatag ng BARMM kapalit ng hindi kasing makapangyarihan na nabuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang pagkatatag ng BARMM ay bunga ng peace talks ng Moro Islamic Liberation Front at ng Malacañang, isang peace process na masigasig na sinuportahan ni Mrs. Sema at kanyang kabiyak na si ngayon ay BARMM Labor Minister Sema. (October 8, 2024, Contributed, CTTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *