Isang grupo ng mga kabataan ang nagtipon nito lang nakalipas na linggo at tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaisa at ang kanilang maaring maitulong sa pagpapalawig ng religious and cultural solidarity sa kani-kanilang mga komunidad.
Ang naturang Strengthening Youth Engagement in Building Social Cohesion and Peacebuilding Seminar ay isinagawa sa Sultan Kudarat Provincial Capitol sa Isulan, Sultan Kudarat, dinaluhan ng mga youth leaders sa probinsya.
Ang aktibidad ay magkatuwang na inorganisa nila Police Lt. Col. Badrudin Esmael ng Team Eastern Mindanao ng Sallam Police Center na may masigasig na programang Prevention, Countering Violent Extremism, at ng Youth Development Office na sakop ng provincial governor ang Sultan Kudarat.
Katuwang nila Lt. Col. Esmael sa pagsagawa ng naturang peacebuilding workshop ng mga kabataan sina Police Captain Gladys Banzuelo ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, si Agent Rachele Ann Gentapanan, provincial drug Clearing officer ng Philippine Drug Enforcement Agency-12, Jan Vincent Iriberri, team leader ng Southern Mindanao Gawad Kalinga Community Development Foundation, at si Shiekh Marjan Kudanding, SPC EM religious adviser.
Ang Sallam Police Center ay may mga programang naglalayong mailayo, o ma-protektahan ang mga kabaatan laban sa problemang violent religious extremism na isinusulong ng ilang mga tinatawag na misguided na mga grupo upang magsanhi ng hindi pagkakaunawaan sa mga local communities sa Mindanao na may ibat-ibang relihiyon, kultura at ethnic identities. (July 15, 2024)