Nasamsam nitong gabi ng Huwebes ng mga pulis sa karagatan ng Zamboanga City ang abot sa P19.8 million na halaga ng imported na sigarilyo na lulan ng maliit na sasakyang pandagat na patungo sana sa bayan ng Sultan Naga Dimaporo sa Lanao del Norte.
Sa ulat nitong Huwebes ng Police Regional Office-9, naglalayag ang naturang sasakyang pandagat, may kargang 346 na mga kahon ng sigarilyong gawa sa Indonesia, ng nasabat ng mga kasapi ng ibat-ibang units nito hindi kalayuan sa Sinunuc Island na sakop ng Zamboanga City.
Nasa kustodiya na ng PRO-9 ang nasamsam na mga imported na sigarilyo na nagkakahalaga ng P19.8 million at naka-detine na rin ang pitong taong maghahatid sana nito sa ibat-ibang mga barangay sa baybayin ng Sultan Naga Dimaporo.
Sa pahayag nitong Huwebes, pinuri ng PRO-9 ang mga pulis na naka-kumpiska ng naturang kontrabando sa isang anti-smuggling operation na nag-resulta din sa pagkaaresto ng pitong mga lalaking sakay ng sasakyang pandagat na pinag-kargahan nito. (June 27, 2024)