Muling nangako ng katapatan sa pamahalaan ang mahigit 200 na mga dating kasapi ng New People’s Army sa isang peace summit nitong Huwebes, June 27, 2024, sa Asuncion, Davao del Norte.
Ang naturang pagtitipon ng mga dating NPA na ngayon ay namumuhay na ng tahimik sa kani-kanilang mga bayan sa probinsya ng Davao del Norte sa Region 11 ay ginanap sa headquarters ng 60th Infantry Battalion sa Camp Morgia sa Barangay Doña Andrea, Asuncion.
Nagpasalamat ang isa sa mga panauhin sa naturang aktibidad, si Army Major Gen. Luis Rex Vergante, commander ng Eastern Mindanao Command, sa mga dating rebelde sa kanilang lubos na paggalang na sa pamahalaan na kanilang tiniyak sa isinagawang summit na inorganisa ng 60th IB, ng 10th Infantry Division sa pamumuno ni Major Gen. Allan Hambala, at ng provincial government ng Davao Del Norte.
Ang naturang mga dating miyembro ng NPA ay sumuko sa ibat-ibang units ng 10th IB nitong nakalipas na mga buwan sa tulong ng mga local government units, ayon kay Hambala.
Inorganisa ang naturang summit upang iparamdam sa dating mga NPA, ngayon mga magsasaka na, mga tricycle drivers, mga manggagawa sa mga pribadong kumpanya, na ang pamahalaan at patuloy na magpapatupad ng mga programang naglalayong mapabuti ang kanilang mga buhay sa piling ng kani-kanilang mga pamilya. (JUNE 29, 2024, JOHN UNSON)
Great job site admin! You have made it look so easy talking about that topic, providing your readers some vital information. I would love to see more helpful articles like this, so please keep posting! I also have great posts about Print on Demand Services, check out my weblog at Webemail24