Hindi bababa sa 300 na mga kabataan mula sa ibat-ibang lugar sa Central Mindanao ang kumuha ng Philippine Military Academy entrance exam nitong Sabado hanggang Linggo sa isang public gymnasium sa Kabacan, Cotabato.
Ang naturang mga examinees ay mula sa ibat-ibang mga lungsod at mga bayan sa mga probinsya ng Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani sa Region 12 at sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte sa Bangsamoro region.
Ang dalawang araw na testing process sa Kabacan ay pinamahalaan ng mga representatibo ng PMA, isa sa kanila si Army Captain Jocel May Alicog, at ng mga kinatawan ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza at ni Kabacan Mayor Evangeline Guzman.
Magkahiwalay na pinasalamatan si Gov. Mendoza nitong Lunes, August 12, 2024, nila Captain Alicog, ni Major Gen, Antonio Nafarrete ng 6th Infantry Division at ng commanding general ng Philippine Army, si Lt. Gen. Roy Galido, sa kanyang extensibong pagsuporta sa naturang dalawang araw na aktibidad. (August 12, 2024)