Magsasaka patay, misis sugatan sa panibagong ambush

Patay ang magsasakang si Bashir Saligan habang sugatan naman ang kabiyak niyang si Armia ng tambangan ng mga armado sa isang farm-to-market road hindi kalayuan sa Ramongaob sa South Upi nitong hapon ng Martes, August 6, 2024.

Galing diumano ang mag-asawa sa Femuguyon, hindi kalayuan sa magkalapit na mga barangay ng Bahar at Pandan, sakay ng isang pick-up-style na multicab at maghahatid sana ng mais sa sentro ng South Upi ng pagbabarilin ng assault rifles ng mga lalaking nakaabang sa gilid ng kalsada.

Ang insidente ay kasunod ng pagkapatay sa ambush ni South Upi Vice Mayor Roldan Benito at kasamang si Weng Marcos sa Barangay Pandan sa naturang bayan nito lang Biyernes, August 2, 2024.

Patay agad sa mga tama ng bala si Saligan sanhi ng naturang ambush. Naisugod naman sa pagamutan ang kanyang kabiyak na nagtamo ng mga tama ng bala. (August 7, 2024 ito ay lawarang pang visual aid lang)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *