Ginang pinatay ng bayaw sa 17 na saksak, ginilitan pa ng leeg

Pinatay na sa 17 na saksak at ginilitan pa ng leeg ang isang ginang ng kanyang kagalit na bayaw sa isang karumaldumal na insidente sa Barangay Ilomavis sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato nitong Sabado, June 15, 2024.

Sa pahayag nitong Martes ni Col. Gilbert Balneg Tuzon, director ng Cotabato Provincial Police Office, matagal ng may alitan ang biktima, si Sharon Rose Lapis, 45-anyos, at ang 40-anyos na suspect na si Julie Solilom.

Sa ulat ni Jimmy Mantawil, chairman ng Barangay Ilomavis, unang nagtalo dalawa bago naganap ang insidente sa isang lugar sa Sitio Anitap sa Ilomavis.

Ayon sa kay Mantawil at mga imbestigador ng Kidapawan City Police Office, sinaksak ng 17 beses in Solilom ang bayaw niyang si Lapis ay ginilitan ng na leeg bago tumakas.

Magkatuwang na hinahanap na ng mga operatiba ng Kidapawan City CPO at ng Cotabato PPO si Solilom, ayon kay Tuzon. (JUNE 18, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *