Bus company supervisor pinaslang sa Kidapawan City

Agad na pumanaw sanhi ng mga tama ng bala sa ulo ang 53-anyos na si Reynaldo Uyanguren, supervisor ng Mindanao Star Bus Company, biktima ng pamamaril kahapon sa Barangay Patadon sa Kidapawan City nitong Lunes, August 5, 2024.

Sa ulat nitong Martes ng Kidapawan City Police Office, umiinom ng kape sa isang kapehan sa gilid ng highway sa Purok 3 sa Barangay Patadon si Uyanguren ng may dumating na isang lalaking sakay ng motorsiklo, lumapit at siya ay binaril ng ilang beses gamit ang .45 caliber pistol.

Agad na tumakas ang salarin sa direksyon ng Matalam, isang bayan sa Cotabato na malapit sa Kidapawan City. (August 6, 2024, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *