Lima ang patay habang 14 na iba pa ang sugatan sa mga sunod-sunod na pagsabog sa loob ng bodega na may mga nakaimbak na pyrotechnics at mga firecrackers sa Barangay Tetuan sa Zamboanga City nitong Sabado ng hapon, June 29, 2024.
Sa mga hiwalay na ulat ng mga opisyal ng Zamboanga City Police Office at ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng naturang lungsod, apat katao, isa sa kanila menor-de-edad, ang nasawi sa insidente.
Maagap namang naisugod ng mga emergency responders sa ibat-ibang pagamutan ang 14 kataong nagtamo ng mga sugat sanhi ng mga serye ng pagsabog, ilan sa kanila mga bata at mga babae.
Nag-utos na ang director ng Police Regional Office-9, si Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, ng malalim na imbestigasyon sa insidente.
Tiniyak naman ni Mayor John Dalipe, chairman ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction Management Council, ang ayuda para sa mga pamilya ng nasawi at mga na-ospital sanhi ng insidente. (JUNE 29, 2024, JOHN UNSON)