2 motorista patay, 3 malubha sa Dipolog City accident

Dalawang motorista ang agad na namatay habang tatlong iba pa ang malubha ng mabangga ng isang pick-up truck ang tatlong kasalubong na motorsiklo sa isang bahagi ng highway sa Dipolog City nitong umaga ng Lunes, August 5, 2024.

Sa inisyal na ulat ng Dipolog City Police Office at ng Police Regional Office-9, magkasunod ang tatlong mga motorsiklo ng masapol ng isang mabilis ang takbong kulay maroon na Nissan Navarra pick-up truck mula sa kabilang direksyon ng highway sa Barangay Punta sa naturang lungsod, sakop ng probinsya ng Zamboanga del Norte.

Dalawa sa limang mga sakay ng tatlong motorsiklong nasangkot sa aksidente ang agad na namatay, ayon sa mga kawani ng Dipolog City Disaster Risk Reduction and Management office at ng mga imbestigador ng pulisya na nagresponde sa insidente.

Matapos mabundol ang tatlong mga motorsiklo, lumihis ang pick-up truck sa mababang gilid ng highway at bumangga sa isang istrukturang napapalibutan ng mga puno ng niyog. (August 4, 2024, handout photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *