2 grade 10 nagkayayaan maligo sa ilog, patay!

Hindi na naisalba pa matapos na tuluyang malunod sa malalim na bahagi ng ilog ang magkaklase na Grade 10, kamakalawa sa Brgy. Laurel, Tanauan City, Batangas.

Kapwa wala nang buhay nang maiahon ang mga biktima na kinilalang sina Ron Gabriel Completo Mercado, 15-anyos, residente ng Valle Dulce Pueblo Solena Subdivision, Bubuyan, Calamba City, Laguna at Jomat Roslin Masapol, 14-anyos, residente ng Southville 6, Brgy. Kay-Anlog, Calamba City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:00 ng hapon nagkayayaang maligo ang mga biktima kasama ang iba pang mga kaibigan sa ilog.

Habang nasa kasarapan ng kanilang swimming, mapadako sa malalim na bahagi ng ilog ang dalawang biktima at nilamon ng tubig.

Ayon sa mga nakasaksi, tila hinigop pailalim ang dalawang biktima.

Source: Pilipino Star Ngayon, Oct. 22, 2024, Cristina Timbang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *