2 armadong nanlaban sa mga sundalo, tepok

Patay ang dalawang diumano kasapi ng armed lawless group, o ALG, sa kanilang palitan ng putok ng mga sundalo at pulis sa Barangay Lagandang sa Isulan, Sultan Kudarat nitong umaga ng Lunes, July 29, 2024.

Sa ulat nitong Martes ni Major Gen. Antonio Nafarrete, Patungo lang sana sa isang liblib na lugar sa Barangay Lagandang ang mga tropa ng 7th Infantry Battalion at mga pulis upang pumagitna sa away ng mga kasapi ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation, ngunit sila ay pinaputukan ng mga armado hindi pa nakikilala kaya nagkaengkwentro.

Dalawang lalaking nakabarilan ng mga sundalo at pulis ang nasawi sa insidente, ayon sa ulat nitong Lunes ni Lt. Col. Tristan Rey Vallescas, commander ng 7th IB, sa tanggapan ni Major Gen. Nafarrete.

Nasamsam ng mga tropa ng 7th IB ang dalawang bolt-action Barret sniper rifles, dalawang M16 assault rifles, isang M60 machine gun, isang .22 caliber hunting rifle, isang M203 launcher tube para sa 40 millimeter grenade projectiles, mga B40 anti-tank rockets at isang 60 millimeter mortar na iniwan ng mga armadong nagtakbuhan palayo sa kalagitnaan ng naturang engkwentro. (July 30, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *