Elementary pupils nagka-ayuda mula MOTC-BARMM

Tumanggap ng ayudang gamit sa pag-aaral ang mga batang Maranao sa isang elementary school sa Wao, Lanao del Sur kamakalawa mula sa mga kawani ng Bangsamoro transportation and communications ministry.

Sa ulat ng mga himpilan ng mga radyo sa Central Mindanao nitong Martes, mismong si Bangsamoro Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago ang nanguna sa pamimigay ng mga notebooks, mga lapis, coloring crayons at papel at mga school bags sa mga mag-aaral ng Muslim Village Elementary School sa isang liblib na lugar sa Wao.

Ang Wao ay isa sa 39 na mga bayan ng Lanao del Sur na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Katuwang ni Tago, na kasapi din ng Bangsamoro regional parliament, ang mga opisyal ng Bangsamoro Land Transportation Office (BLTO) at Bangsamoro Airport Authority (BAA) sa pamimigay ng mga ayuda sa lahat ng mga mag-aaral ng naturang paaralan.

Naisagawa nila Tago at mga kawani ng BLTO at BAA ang relief mission sa naturang elementary school na karamihan sa mga mag-aaral ay mula sa mga mahirap na pamilya, sa tulong ng Wao local government unit. (October 22, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *