Abot sa 5,000 na mga residente ng probinsya ng Cotabato, 2,000 sa kanila mga agriculture students, ang tumanggap ng kabuuang P16 million na ayudang mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng pamahalaan nitong Linggo.
Mismong sina Senator Aimee Marcos, Gov. Emmylou Mendoza, Cotabato Congresswoman Samantha Santos at Loreto Cabaya, Jr. na siyang regional director ng Department of Social Welfare and Development-12 ang magkatuwang na namahagi nitong Linggo ng ayudang P5,000 sa 2,000 na mga estudyante ng University of Southern Mindanao (USM) sa sentro ng Kabacan.
Karagdarang P10 million pang ayuda ang ipamahagi ng apat na opisyal sa hiwalay na handout activities para sa mga residenteng Moro ng magkalapit na mga bayan ng Kabacan at Carmen.
Sa mga hiwalay na dayalogo sa mga estudyante ng USM at mga pamilyang Moro na nakatanggap ang pondong gawad ng AICS, ipinahayag ng senadora na malaking tulong ang programa sa para sa mga mahihirap na residente ng probinsya ng Cotabato.
Pinasalamatan ni Mendoza, na chairperson ng Regional Development Council 12 at kilala sa kanyang masigasig na suporta sa Mindanao peace process ng Malacañang, ang senadora kanyang pagbisita sa probinsya.
Tiniyak din ng gobernadora na mas palalawigin pa niya at ng mga mayors sa Cotabato ang kanilang mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga komunidad na Moro sa probinsya. (March 25, 2024)