Drug suspect tiklo sa P3.6 milyong marijuana

MANILA, Philippines (PILIPINO STAR NGAYON) — Naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug suspect at nasamsam dito ang 30 pakete ng marijuana na nagkakahalaga ng P3.6 milyon sa drug operation sa Tuguegarao City, Cagayan nitong Linggo ng hapon.

Ang illegal drugs ay nakalagay sa dalawang kahon na nakumpiska sa suspek na si Shaibah Pakiang, 48, sa isinagawang operation sa Barangay Centro 11 pasado alas-2:20 ng hapon.

Sa ulat, tinanggap ng suspek ang P50,000 marked money mula sa mga ahente ng PDEA na nagkunwaring drug buyers.

Nakumpiska rin ang brown shoulder bag at cell phone mula sa suspect na nakakulong na at kinasuhan ng drug trafficking. (SOURCE: PILIPINO STAR NGAYON, JULY 23, 2024, MANNY TUPAS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *