Nasampahan na ng kaukulang mga kaso ang tatlong shabu dealers na nabilhan, sa isang entrapment operation, ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, ng mga hindi unipormadong mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at mga pulis sa Barangay Cabingan sa Marawi City sa probinsya ng Lanao del Sur.
Kinumpirma nitong Biyernes ni PDEA-BARMM Director Gil Cesario Castro at Police Brig. Gen. Prexy Tanggawohn ng Bangsamoro regional police na nakakulong na sina Allandoni Alaweya Mendalano, Sanny Sangkad Kaadeadatu at ang kanilang kasabwat na babae na si Isnaima Arimao Sapia, lilitisin na sa korte sa salang pagbebenta ng shabu na labag sa Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.
Ayon kay Castro at Tanggawohn, naisagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagka-aresto ni Mendalano, Kaadeadatu, at Sapia sa tulong ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. at Marawi City Mayor Majul Gandamra na parehong aktibo sa pagsuporta sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal na droga. (June 7, 2024, handout PDEA-BARMM photo)