Dalawang magkapatid na paslit, natupok sa apoy

Patay sa pagkasunog ang isang tres-anyos na bata at kanyang isang-taong-gulang na kapatid ng masunog ang kanilang barong-barong sa Purok 7 sa Barangay Magbok sa bayan ng Tulunan sa North Cotabato nitong Miyerkules, July 31, 2024.

Sa inisyal na mga ulat ng mga barangay officials, mga kawani ng Tulunan local government unit at ng mga imbestigador ng municipal police sa naturang bayan, iniwan diumano ng mga magulang ang dalawang bata dahil may mahalagang pupuntahan.

Laking gulat na lang ng kanilang mga magulang ng datnang tupok na tupok na ang kanilang tahanan at mistulang uling na ang bangkas ng kanilang dalawang mga anak.

Inaantabayanan pa ang mga official na pahayag hinggil sa insidente ng Tulunan Municipal Police Station at ang LGU ng naturang naturang bayan. (July 31, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *