Dalawa patay sa mga hiwalay na pamamaril sa Pikit, Cotabato

Dalawang residente ng Pikit, tinataguriang “crime capital” ng Cotabato province, ang patay sa hiwalay na mga insidente ng pananambang nitong Huwebes, October 10, 2024.

Agad na namatay sa mga tama ng bala ang negosyanteng si Rommel Aban ng pasukin ng mga lalaking armado at pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang tindahan sa poblacion ng Pikit

Mas kilala sa Pikit si Aban bilang si Balong Pamogon dahil sa sikat na produktong kanyang benebenta sa isang puwesto sa palengke ng Pikit, ang Pamogon Native Coffee.

Patay din agad sanhi ng ambush nito ding Huwebes si Ariel Abrenica ng tambangan ng mga armado habang sakay ng kanyang minivan sa Barangay Silik sa Pikit. Si Abrenica ay residente ng Barangay Kulambog sa naturan ding bayan.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Abrenica kung saan siya isinugod ng mga barangay emergency responders upang malapatan sana ng lunas.

Mahigit 40 na ang napapatay sa mga walang patid na serye ng pagpatay sa ibat-ibang barangay sa Pikit mula nitong 2022, kaya ito ay tinatagurian “crime capital” ng probinsya ng Cotabato. (October 11, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *