
Anim na combat rifles and isinuko ng ilang mga barangay officials sa western area ng Cotabato City, pinamumunuan ni Chairman Bimbo Ayunan ng Barangay Mother Kalanganan, sa 6th Infantry Division ng Philippine Army nitong Miyerkules, September 25, 2024.
Ang naturang mga gamit pandigma ay mula sa ilang mga residenteng sakop nila Ayunan at kanyang mga kamag-anak na barangay officials sa mga barangay na malapit sa Barangay Mother Kalanganan.
Ang mga baril ay iprinesenta nila Ayunan kay Lt. Col. Roden Orbon ng 6th Civil-Military Operations Battalion ng 6th Infantry Division at kay Police Lt. Col. Joaquin Agtarap, Jr., ng Cotabato City Police Office na sakop ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, sa isang simpleng seremonyang ginanap sa headquarters ng 6th CMO Battalion sa Cotabato City.
Ang pagsuko ng naturang mga armas ay suporta ng mga barangay officials sa disarmament campaign ng 6th ID, na masigasig na pinapatupad ni division commander Major Gen. Antonio Nafarrete sa mga bayan at lungsod na sakop ng mga battalions at brigades na kanyang pinamumunuan. (September 26, 2024