Community projects ng Malungon LGU, Sagittarius Mines Incorporated, mas palalawagin

Magkatuwang na palalawigin pa ng Malungon municipal government sa probinsya ng Sarangani at ng isang pribadong kumpanya ang pagtutulungan upang mapabuti ang kalagayan ng mga etnikong Blaan at iba pang mga residente sa mga liblib na lugar.

Sa mga ulat ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Lunes, pinasalamatan ni Malungon Mayor Maria Theresa Constantino ang Sagittarius Mines Incorporated (SMI) sa patuloy na mga humanitarian missions, livelihood projects at scholarship programs nito sa kanilang bayan bilang suporta sa peace and community development projects ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Constantino, binanggit niya sa isang mensahe, kaugnay ng kanilang paggunita ng 55th founding anniversary ng Malungon municipality nito lang nakalipas na linggo, ang kanilang kasiyahan sa mga corporate social responsibility programs ng SMI sa mga barangay na sakop ng kanyang administrasyon.

Sa tala ng mga barangay officials at LGU ng Malungon, 3,732 na na mga residente ng ibat-barangay sa naturang bayan, karamihan mga etnikong Blaan, ang nakabiyaya sa serye ng mga magkatuwang na medical at dental missions nito lang nakalipas na walong buwan ng Malungon municipal government at ng SMI, sa kabila ng hindi pa nito nasisimulan ang Tampakan Copper-Gold Project sa Tampakan sa South Cotabato.

Ayon kay Constantino, bagamat sa susunod na taon pa magsisimula ang Tampakan Copper-Gold Project batay sa pahintulot ng Malacañang, gumastos na ng P2.7 billion ang SMI para sa mga poverty alleviation, health and social welfare projects nito sa Malungon, sa Tampakan at sa dalawan pang mga bayan, ang Columbio sa Sultan Kudarat at sa Kiblawan, Davao del Sur nito lang nakalipas na ilang mga taon.

Makikita sa larawan ang isang lalaking Blaan na sinusuri ng isang municipal health worker sa Malungon sa isang medical-dental service mission ng tanggapan ni Mayor Constantino at ng SMI bago lamang. (July 29, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *