
Agad na namatay sa mga tama ng bala ang assistant election officer ng Isulan, si John Nico Allan D. Pandoy, sanhi ng ambush sa Purok Sampaguita sa sentro ng President Quirino sa Sultan Kudarat nitong Sabado, November 23, 2024.
Ang Isulan ay isa sa mga bayan sa Sultan Kudarat, at siyang kabisera ng probinsya.
Sa inisyal na ulat ng President Quirino Municipal Police Station nitong Linggo, mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kay Pandoy gamit ang isang getaway vehicle. — Nov. 24, 2024, handout photo