College student patay, 3 iba pa sugatan sa Kidapawan City road accident

Agad na namatay si Benedict Paulo, isang graduating psychology student, at naisugod naman ang tatlong iba sa hospital ng mabangga ang kanilang sinasakyang tricycle ng isang Nissan Terra sports utility vehicle sa Barangay Paco sa Kidapawan City, Region 12, nitong Huwebes, August 1, 2024.

Maliban kay 21-anyos na si Paulo, magtatapos na sanang psychology student ng North Valley College Foundation sa Kidapawan City na kabisera ng Cotabato province, injured din sa naturang aksidente sina Doleres Gumapac, 62-anyos, Princess Mae Palera, 12-anyos, at ang tricycle driver na si Sulpicio Binondo, 73 anyos.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Kidapawan City police director Lt. Col. Dominador Palgan, Jr., parehong direksyon ng highway ng tinatahak ng tricycle na sinasakyan nila Paulo at ng Nissan Terra at, ng paliko na sa kaliwa ang tricycle, nabundol ang likuran nito ng mabilis ang takbong sumusunod na Nissan Terra, minamaneho ni Edris Ampatuan.

Si Ampatuan, residente ng Mamasapano, Maguindanao del Sur, ay nasa kustodiya na ng Kidapawan City Police Office.

Sa lakas ng pagkabangga ng sasakyan ni Ampatuan sa tricycle na sinasakyan ng nasawi na si Paulo at ng ngayon ay nasa hospital ng sina Gumapac, Palera at ng driver nitong si Binondo, gumulong ito ng ilang beses at lumagpak ng patihaya sa madamong gilid ng highway. (August 2, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *