
Malinaw na kakulangan lang ng sapat na impormasyon hinggil sa legalidad ng mga driver’s licenses na mula sa Bangsamoro Land Transportation Office — kinikilala ng LTO central Office sa Metro Manila — ang dahilan ng hindi pagkilala nito ng ilang mga nasa labas ng autonomous region.
Ito ay ipinaliwanag ni Engineer Razul Gayak, director ng Bangsamoro LTO, sa mga reporters sa Cotabato City nitong Biyernes, January 3, 2024, kaugnay ng mga ulat hinggil sa pagkakakumpiska diumano ng lisensya ng isang residente ng Bangsamoro Region in Muslim Mindanao ng mga taga LTO sa labas ng autonomous region dahil sa kakulangan ng kaalaman na ang pagpapalabas ng mga driver’s license ng Bangsamoro government ay lehitimo at may basbas ng LTO central office.
May dokumentong nilagdaan, noong pang September 19, 2023, ang mga opisyal ng LTO central office, ng Bangsamoro LTO at ng Ministry of Transportation and Communications-BARMM na nagsasaad ng pagkilala ng mga driver’s licenses mula sa Bangsamoro government ng LTO offices sa ibat-ibang rehiyon
Ang functions at powers ng LTO ay nai-devolve, o naibigay na sa sa BARMM government ayon sa Republic Act 11054, o Bangsamoro Organic Law, na siyang charter ng BARMM.
Ayon sa mga information technologists ng ibat-ibang government agencies sa mga administrative regions sa Mindanao at sa BARMM, mayroon lang konting pagkukulang sa koneksyon ng mga pamamaraan ng processing ng Bangsamoro LTO licenses at ng mga lisensyang mula sa mga LTO offices sa labas ng autonomous region kaya hindi lumalabas sa Land Transport Management System, o LTMS portal, ng ahensiya ang mga pangalan ng nabigyan ng Bangsamoro LTO ng mga driver’s licenses.
Stradcom Information System Technology naman, na siyang unang gamit ng LTO national office, ang gamit pa rin ng Bangsamoro LTO sa recording ng mga driver’s licenses na inilalabas nito.
Natapos na ang kontrata ng Stradcom sa LTO national office kaya lumipat na ang ahensya sa Land Transportation Management System ng Dermalog Identification Systems ng isang German information technology provider company na siyang ginagamit ngayon ng LTO sa mga administrative regions sa pag-proseso ng mga lisensyang kanilang ipinamamahagi sa mga aplikante. (January 4, 2025)