Barangay Kapitan patay sa gun deal entrapment ng CIDG

Nakumpiska ng mga pulis ang tatlong assault rifles at dalawang .45 caliber pistol sa isang diumano illegal gun dealer na isang barangay kapitan na napatay sa isang entrapment operation sa Barangay Upper Itil sa Balabagan, Lanao del Sur nitong Sabado, June 22, 2024.

Sa mga hiwalay na pahayag nitong Linggo, kinumpirma ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at ni Lt. Col. Ariel Huesca, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group, ang pagkasawi sa naturang entrapment operation ni Billy Jack Ogca, chairman ng Barangay Upper Itil.

Sa ulat ni Huesca sa PRO-BAR, ibibenta na sana sa kanilang mga operatiba ni Ogca at apat pang mga kasama ang tatlong M16 rifles, isang 14 rifle at dalawang .45 caliber pistol, lulan ng kanilang puti na Toyota Hilux pick-up truck, ngunit bigla nilang pinagbabaril ang mga ka-transaksyon ng mahalatang pulis ang mga ito.

Nasawi sa palitan ng putok si Ogca na iniwan ng mga kasama sa pagtakas habang nakipagpalitan ng putok sa mga CIDG-BAR agents.

Ayon kay Huesca at Tanggawohn, nasa kustodiya na ng CIDG-BAR ang mga armas na nasamsam sa naturang entrapment operation. (JUNE 23, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *